Connect with us

Aklan News

Tulay na magdurugtong sa Panay, Guimaras, at Negros, malapit nang simulan

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Pupondahan sa pamamagitan ng isang  official development assistance (ODA) loan mula sa bansang  China ang iminungkahing tulay na madurugtong sa isla ng Panay, Guimaras, at Negros. Batay ito sa pahayag ni Secretary Mark Villar, ang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Saad pa ni Sec. Villar, “Tapos na ‘yung FS (feasibility study). Very soon it will be with NEDA (National Economic and Development Authority. So it’s now in the advance stages of planning, so malapit na.”

Ang feasibility study na nabanggit ng kalihim ay para sa P27.1-billion na tulay. Isinagawa ang nasabing FS nang isang Chinese consultancy firm na CCC Highway Consultants Co. Ltd.

Sa katunayan, naigawad na ang mga sertipiko ng nasabing tulay at isang expressway project sa Davao City na nagkakahalagang P25.6 billion, sa pagitan nina Villar at Wang Shouwen, Vice Minister of Commerce and International Trade Representative ng bansang Tsina.

Ani  Villar, hudyat umano ito ng pagsisimula ng proceso ng paggagawad ng loan financing para sa mga nasabing proyekto nabahagi ng “Build, Build, Build” program ng adminstrasyong Duterte.

Ang tulay ng Iloilo-Guimaras ay magsisimula sa Leganes, Iloilo kung saan ang dulo nito ay sa Buenavista, Guimaras. Ang tulay naman ng Guimaras-Negros ay magsisimula sa San Lorenzo, Guimaras at magtatapos sa Pulupandan, Negros Occidental.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *