Connect with us

Aklan News

MISTER, NAGBIGTI DAHIL SA SELOS

Published

on

Madalag – Nagbigti-patay ang isang mister kagabi sa Brgy. Catabana, Madalag.

Kinilala ng Madalag PNP ang biktimang si Melanio Topez Onlagada, 50 anyos na tubong Manlohalok, Silay, Negros Occidental.

Ayon sa kanyang live in partner, nagtalo sila bandang alas 7:00 kagabi dahil sa inaakusahan umano siya nito na merong ibang lalaki at nagseselos.

Dahil dito, nagalit umano siya at sinabihang umuwi na lamang ang biktima sa Negros.

Ayon pa sa babae, inagaw niya ang iniinom na alak ng biktima at itinapon bago pumasok sa kanilang silid.

Makalipas ang ilang sandali, umalis umano ang biktima papunta sa ginagawa pa nilang bahay na katabi lamang ng kanilang tinitirhan subalit mag-a-alas 10 na ng gabi ay hindi pa umano ito nakauwi.

Dahil na rin sa pag-aalala, pinuntahan niya daw ito sa katabing bahay upang tingnan at laking gulat na lamang umano niya nang makita ang biktima na nakabigti sa trasis ng ginagawang bahay, gamit ang plastic rope o tali.

Kaagad umano niyang pinutol ang tali at sinubukang i-revive ang biktima, subalit wala nang saysay rason na humingi na lamang ito ng saklolo kay Kagawad Jolan Incion na siya namang tumawag ng pulis.

Kaagad namang dinala sa Madalag hospital ang biktima subalit wala na itong buhay pagdating doon.

Samantala, ipinagbigay-alam na rin umano ito ng kanyang live in partner sa kanyang pamilya sa Negros ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *