Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO SA ILIGAL NA PAGBEBENTA NG GASOLINA

Published

on

Altavas, Aklan – Arestado dahil sa ilegal na pagtitinda ng gasolina ang isang lalaki alas 3:00 Huwebes ng hapon sa Odiong, Altavas.

Nakilala ang naarestong si Roman Hilario Abella, 60 anyos ng nasabing lugar.

Sa isinagawang entrapment operation, narekober ng mga pulis ang kabuuang 67 litro ng gasolina na nagkakahalaga ng P3, 375.00.

Narekober din ang P1, 160.00 na perang kinita umano nito sa pagtitinda ng gasolina kasama na ang P20.00 na marked money na ginamit ng mga pulis sa nasabing buy bust operation.

Pansamantalang ikinostodiya sa Altavas PNP Station ang suspek at nakatakdang i-inquest ngayong araw sa provincial prosecutor’s office.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *