Connect with us

Aklan News

INABANDONANG SANGGOL, NATAGPUAN SA PEDIKAB

Published

on

Isang bagong silang na sanggol na pinaniniwalaang inabandona ang natagpuan bandang alas 7:30 kaninang umaga sa Poblacion, Ibajay.

Base sa report ng Ibajay PNP, napansin umano ng isang lalaki ang isang bagay na nakabalot sa lumang damit sa nasabing pedicab na nakaparada sa isang bakanteng bahay malapit sa kanyang pinagtatrabahuan.

Nilapitan umano niya ito, at ikinagulat nang matuklasang isa pala itong sanggol na babae.
Kaagad umano siyang tumawag ng mga kapit-bahay kung saan may nakapagsabing may isang midwife sa lugar.

Kaagad din itong pinuntahan ng midwife at pinutol ang pusod at dinala sa Ibajay hospital.
Malusog naman umano ang sanggol na tumitimbang ng 2.5 kilo na pinangalanan munang ‘baby girl’.

Nasa pangangalaga na ngayon ng MSWD ang sanggol, habang iniimbestigahan pa kung sino ang posibleng ina nito na nag-abandona sa kanya.

Napag-alamang nagpahayag na ng interes ang lalaking nakakita sa sanggol na may balak itong ampunin.

Ayon pa sa Ibajay PNP, walang anumang sugat at hindi manlang umiiyak ang bata nang matagpuan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *