Aklan News
BAHAY NA PINAGMULAN NG SUNOG, TUKOY NA-BFP Boracay

Published
1 year agoon

Kalibo, Aklan – Natukoy na ng BFP Boracay ang bahay kung saan nagsimula ang sunog subalit patuloy pa nilanh inimbestigahan ang sanhi nito.
Ito ang kinumpirma ni BFP Investigator FO3 Franklin Arrubang kanina sa Radyo Todo. Ayon sa kanya nilagyan na nila ng kordon ang bahay kung saan nagsimula ang apoy.

Sa pinakahuling tala umaabot sa 200 kabahayan ang natupok ng sunog na sumiklab sa residential area ng Sitio Ambulong, Manocmanoc, Boracay.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit 280 na pamilya maliban pa sa indibidwal na mga manggagawa ang apektado ng trahedya.

Pansamantalang nanunuluyan sa Manocmanoc Covered Court ang mga apektado na walang mga pamilya o kakilalang matutuluyan sa isla.

Patuloy naman na inaalalayan ng Brgy. Officials ng Manocmanoc at LGU Malay ang evacues sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at mga damit. Maliban pa ito sa mga tulong na binibigay ng mga pribadong indibidwal.

Nanawagan din si Manocmanoc Brgy. Kag. Chistian Gelito sa mga gustong magbigay ng tulong na ang Caticlan Brgy. Hall ay bukas para tumanggap ng donasyon galing sa mga taga mainland at ang Manocmanoc Brgy. Hall naman para sa mga taga Boracay na magbibigay ng tulong.
Maalala na halos umabot sa 3 oras ang itinagal ng sunog bago ito makontrola ng mga bombero.
Tinatayang nasa 3 ektarya naman ang lawak ng lugar na kinain ng apoy.
You may like
-
Dapat isama ang land titling sa mga programa ng BIDA
-
WANTED SA KASONG LESS SERIOUS PHYSICAL INJURY, ARESTADO
-
DALAWANG AKUSADO SA KASONG SERIOUS PHYSICAL INJURIES, ARESTADO SA BORACAY
-
PAGKATAPOS NG COMMUNTY QUARANTINE, DAPAT MAIBALIK ANG TURISMO SA BORACAY
-
PUBLIC HOSPITAL SA BORACAY, MULING BUBUKSAN
-
MGA TURISTANG MANGGAGALING SA MGA LUGAR NA MAY COVID19, IKA-QUARANTINE SA BORACAY