Connect with us

Aklan News

SUNOG, MULING SUMIKLAB SA BORACAY

Published

on

Boracay Island – Panibagong sunog na naman ang sumiklab nitong umaga sa Sitio Ambulong, Manocmanoc, Boracay Island.

Nabalot ng naglalagablab na apoy at makakapal na usok ang mga kabahayan at boarding houses na karamihan ay gawa lamang sa barong-barong o o gawa sa mga light materials.

Kaagad na nagresponde ang mga bombero subalit nahirapan ang mga ito dahil sa kakitiran ng kalsada na pwedeng daanan ng fire truck.

Tumulong na rin ang mga taga Boracay Tubi System Inc. (BTSI), fire volunteers at ilang residente sa pag-apula ng apoy na umabot sa 3rd alarm.

May ilang mga residente ang nawalan ng malay at nasugatan na mabilis na dinala sa ospital.

Samantala, ang iba ay kanya-kanya na sa pagsalba ng kanilang mga kagamitan dahil sa pangamba na madamay ang kanilang tahanan sa sunog.

Balikan ang pahinang ito para sa updates.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *