Aklan News
Magsasaka patay matapos suwagin ng kalabaw sa Tapaz, Capiz

Published
1 year agoon

Patay ang isang magsasaka sa Brgy. San Antonio, Tapaz, Capiz matapos sinuwag ng alagang kalabaw.
Kinilala ang napatay na si Susen Famocol, 49-anyos. Nagtamo siya ng malubhang sugat sa tiyan at paa.
Nagtamo rin ng sugat sa paa ang kanyang asawa na si Arlene Famocol matapos subukang mailigtas ang mister sa pag-atake ng kalabaw.
Napag-alaman na susunduin sana ng babae kanyang mister nang nagpumiglas ang hinihila niyang kalabaw at inatake ang mister.
Tinangka rin ng nagwalang kalabaw na atakehin ang babae pero nakailag ito.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz