Connect with us

Aklan News

4 kabilang ang isang menor de edad arestado sa Mambusao sa kasong murder

Published

on

Arestado ang apat na kalalakihan kabilang ang isang menor de edad sa Brgy. Manibad, Mambusao, Capiz sa kasong murder.

Kinilala sa ulat ng Mambusao PNP ang mga akusado na sina Jonil Excil, 21-anyos; Ranil Barnizo, 22; Jasper Ben, 21, pawang mga taga-Tapaz, Capiz at isang menor de edad.

Inaresto ng kapulisan ang mga nasabing akusado Huwebes ng umaga sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinababa ng Regional Trial Court sa Mambusao, Capiz nitong Oktobre 21 sa kasong murder.

Ang mga akusado ay dinala sa Mambusao Police Station at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Walang itinakdang pyansa ang korte para sa pansamantala nilang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *