Connect with us

Aklan News

32-anyos na lalaki arestado sa kasong murder sa Panit-an, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 32-anyos na lalaki sa kanyang residensya sa Brgy. Cogon, Panit-an, Capiz sa kasong murder.

Kinilala ang akusado na si Jerrylon Hicalde.

Inaresto ng kapulisan ng Panit-an PNP at Capiz Provincial Mobile Force Company ang akusado sa bisa ng order of arrest.

Ibinaba ng Regional Trial Court Branch 16 sa Roxas City ang nasabing order of arrest noon pang July 26, 2008.

Pansamantalang dinala sa himpilan ng Panit-an PNP Station ang akusado bago dalhin sa kaukulang korte.

Walang pyansang itinakda ang korte para sa paglaya ng akusado.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *