Connect with us

Aklan News

16 ANYOS NA BINATILYO, ARESTADO SA BUY-BUST

Published

on

Photo from the web.

Kalibo – Arestado ang isang 16 taong gulang na binatilyo sa isinagawang buybust operation ng kapulisan pasado alas 8:00 kagabi sa loob ng isang bar sa Goding Ramos St., Brgy. Poblacion Kalibo.

Narekober sa binatilyo ang Php.1,000.00 marked money kapalit ng isang sachet ng marijuana at isang cellphone.

Napag-alaman na tubong Dasmariñas, Cavite ang binatilyo at kasalukuyang nakatira sa bayan ng New Washington.

Ayon sa kapulisan matagal na nilang sinusubaybayan ang suspek.

Subalit ayon naman sa suspek wala syang alam sa nakuhang marijuana sa kanya dahil pumunta lang umano sya sa Kalibo para uminom.

Nasa kustodiya ng Kalibo PNP Women’s section ang suspek na isang menor de edad.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *