Connect with us

Aklan News

14-anyos na dalaga patay matapos magbigti sa Pilar, Capiz; nag-iwan ng suicide note

Published

on

Patay ang isang 14-anyos na dalaga matapos magbigti sa kanyang kuwarto sa bayan ng Pilar, Capiz.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Pilar PNP, huling nakitang buhay ang biktima kasama ang matalik niyang kaibigan na babae.

Hapon ng parehong araw nang malamang nakabitin na sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay ang dalaga.

Isinugod pa ito sa Bailan District Hospital pero dineklara ring dead on arrival.

Batay sa salaysay ng kaibigan niyang babae, nabanggit umano nang biktima ang problema niya sa paghihiwalay nila ng kaniyang nobyo.

Wala namang nakikitang mabigat na dahilan ang pamilya ng dalaga para magpakamatay ito.

Nabatid na nag-iwan ng suicide note ang dalaga na nagsasabi lamang sa kanyang mga magulang na mahal niya ang mga ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *