Connect with us

Aklan News

BABAE, NA HIT AND RUN NG TRAYSIKEL, LASING NA DRIVER, KALABOSO

Published

on

Sugatan ang isang 57 anyos na babae matapos umanong ma hit and run ng traysikel pasado alas 6:00 kagabi sa New Buswang, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Maria Cristita Famoso Cerbatos, 57 anyos ng New Buswang, Kalibo at ang driver ng traysikel na si William Salmorin Flaviano, 50 anyos ng Baybay, New Buswang.

Base sa report ng Kalibo PNP, naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktima nang bigla na lamang itong mabangga ng nasabing traysikel.

Hindi naman malubha ang tinamong pinsala sa katawan, subali’t humarurot umano ang driver sa halip na tulungan ang nabanggang babae.

Nakorner naman ito mga tao sa lugar hanggang dumating ang mga pulis.

Sinasabing dinuro-duro at minura pa ng driver ang mga pulis dahil na rin sa kanyang kalasingan.

Kaagad siyang inaresto at pansamantalang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *