Connect with us

Aklan News

46-anyos pinagtulungang saksakin sa Sigma, Capiz patay; 2 suspek arestado

Published

on

Patay ang isang 46-anyos na lalaki sa Brgy. Acbo, Sigma Capiz matapos pinagtulungang saksakin ng dalawang nakainuman.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang biktima na si Sanito Arcelis, isang manggagawa, at residente ng nasabing barangay.

Kalaboso naman ang nga suspek na kinilalang sina Romeo Altimo, 19, at Jesus Baranet, 30, pawang mga residente ng parehong lugar.

Nabatid na nag-inuman ang biktima at dalawang suspek sa bahay ni Baranet.

Matapos ang inuman inihatid ng dalawang suspek ang biktima pauwi sa kaniyang bahay nang magkaroon sila ng pagtatalo sa daan.

Dito na pinagtulungang saksakin ng mga suspek ang biktima sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa ng kapulisan ang biktima sa hospital pero dineklara itong dead on arrival.

Nasa pangangalaga naman ngayon ng kapulisan ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *