Connect with us

Aklan News

3 MONTHS OLD FETUS, NATAGPUAN

Published

on

Photo from the web.

Kalibo – Isang fetus ang natagpuan kanina sa kalye ng Goding Ramos St. at kanto ng 19 Martrys St., Kalibo partikular sa harap ng CD Copy Center dakong alas-5:45 kaninang umaga.

Ayon sa pulisya, natagpuan ni Ralph Zapra, 22 anyos, residente ng nasabing lugar ang nasabing fetus na tinatayang nasa tatlong buwang gulang pa lamang.

Wala rin umanong residente ang nakakita kung sino ang nagtapon nito sa lugar.

Dinala na ito sa Donguines Funeral Home at nakatakdang ipailalim sa examination ng Municipal Health Officer para sa karampatang disposisyon.

Samantala, patuloy na ngayon ang imbestigasyon upang matukoy ang responsable sa pagtapon ng fetus.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *