Connect with us

Aklan News

2 suspek sa pananaksak-patay sa 46-anyos na lalaki sa Sigma, pinalaya

Published

on

Pinalaya sa kulungan ng Sigma PNP ang dalawang suspek sa pananaksak sa isang 46-anyos na lalaki sa Brgy. Acbo, Sigma, Capiz Lunes ng gabi.

Ito ay matapos hindi naglagda ng Affidavit of Non-interest to File a Case ang pamilya ng biktima na si Sanito Arcelis, residente ng nabanggit na lugar.

Kinilala ang mga suspek na sina Romeo Altimo, 19, at Jesus Baranet, 30, pawang mga residente ng parehong lugar.

Nabatid na nag-inuman ang biktima at dalawang suspek sa bahay ni Baranet.

Matapos ang inuman inihatid ng dalawang suspek ang biktima pauwi sa kaniyang bahay nang magkaroon sila ng pagtatalo sa daan.

Dito na pinagtulungang saksakin ng mga suspek ang biktima sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa ng kapulisan ang biktima sa hospital pero dineklara itong dead on arrival habang naaresto naman agad ng kapulisan ang mga suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *