Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PAMAMALO NG KAWAYAN, KAKASUHAN NG ATTEMPTED AT FRUSTRATED MURDER

Published

on

Kalibo – Kakasuhan ng attempted at frustrated murder ang suspek sa pamamalo ng kawayan kagabi sa L. Barrios St., Poblacion, Kalibo.

Ayon sa imbestigador ng kaso na si Police Master Sergeant Emil Milleondaga, attempted murder ang kasong isasampa nila dahil sa pormal naring reklamo ng biktimang si Jerson Damayo, habang frustrated murder naman mula sa biktimang si John Philip Angeles Mina.

Bagama’t todo tanggi ang suspek sa akusasyon, positibo naman itong itinuro ng biktimang si Jerson na na out-patient sa ospital matapos ang insidente kagabi.

Kaugnay nito, nasa kustodiya pa ng Kalibo PNP station ang suspek at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings bukas sa korte.

Samantala, naniniwala naman ang biktimang si Jerson na nakursunada lamang sila ng suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *