Connect with us

Aklan News

LALAKI, HINATAW NG TUBO NG SARILING BAYAW

Published

on

Photo from the web.

Numancia, Aklan – Nagtamo ng mga sugat sa kanang paa ang isang 40 anyos na lalaki matapos hatawin ng tubo ng kanyang bayaw alas 6:30 kagabi sa Brgy. Dongon West, Numancia.

Dumulog sa himpilan ng kapulisan si Freddie Capispisan Tafalla para ireklamo ang kanyang bayaw na si Jose Milloroso na syang may kagagawan ng panghahampas ng tubo.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, kararating lang ng biktima mula sa Manila kahapon nang puntahan ito ang kanyang bayaw na si Jose sa kanyang bahay at tinanong kung nasaan ang kanyang asawang si Jocelyn Tafalla at mga anak nito.

Hindi naman sumagot ang biktima kaya’t sandaling umalis ang suspek at bumalik bitbit ang isang bakal na tubo na ginamit sa paghampas ng apat na beses sa biktima.

Agad na nagpagamot ang biktima sa ospital, samantala ang kaso ay ipinasa ng mga kapulisan sa brgy. justice system sa lugar.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *