Connect with us

Aklan News

DALAWA, SUGATAN MATAPOS PAGHAHAMPASIN NG KAWAYAN

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – Dalawa ang sugatan matapos paghahampasin ng kawayan alas 11:39 kagabi sa L. Barrios St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Jerson Tabornal Damayo, 19 anyos ng Dungon West, Numancia at John Philip Angeles Mina, 21 anyos ng Badio, Numancia. Samantala nakilala naman ang suspek na si Lyndon Zapico Cahilig, 20 anyos ng Navitas, Malinao.

Base sa imbistigasyon ng Kalibo PNP, nakaupo lamang sa motorsiklo si Jerson habang nakatayo naman sa harap nito si John Philip nang hampasin umano ng kawayan ng suspek sa hindi malamang dahilan.

Una umano nitong hinampas sa noo si Jerson at sunod nitong hinampas si John Philip sa noo din at iba’t-ibang parte ng katawan at kaagad tumakas.

Dinala sa ospital ang dalawa kung saan confined doon si John Philip habang out-patient si Jerson.

Samantala, sa follow up operation, alas 2:30 kaninang madaling araw nang maispatan ng mga pulis ang suspek sa Roxas Avenue, Poblacion, Kalibo rason ng kanyang pagkakaaresto.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *