Connect with us

Aklan News

DATING PRESO, BALIK-KULUNGAN MATAPOS MATIMBOG SA BUY-BUST

Published

on

Boracay Island – Balik-kulungan ang dating preso matapos mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation ng Malay PNP kaninang alas-3 ng madaling araw sa Sitio Angol, Manocmanoc, Malay, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Kim Cahilo, 23 anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Nabilhan ng nagpanggap na poseur buyer si Cahilo ng 2 sachet ng shabu sa halagang P1100 dagdag pa rito ang apat na sachet na nakuha sa body search.

Batay sa ulat, taong 2016 ay nakulong ang suspek dahil rin sa kaso ng droga at kakalabas lang nitong Pebrero sa pamamagitan ng plea bargaining.

Mariing itinanggi ng suspek na hindi sa kanya ang nasabat na droga.

Gayunpaman ayon kay Police Staff Sergeant Gregorio, hindi nagreport ang suspek sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) nang ito ay makalabas at nabatid sa kanilang monitoring na bumalik ito sa iligal na gawain.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *