Connect with us

Aklan News

1-anyos na bata, isa pa sugatan matapos sumalpok ang isang motorsiklo sa tricycle

Published

on

Sugatan ang isang 1-anyos na bata matapos salpukin ng motorsiklo ang sinasakyan niyang tricycle kasama ang ina sa kahabaan ng Arnaldo Blvd. sa Brgy. Baybay, Roxas City.

Kinilala ang nasabing bata na si John Prince Sanchez, residente ng nasabing barangay.

Sugatan rin ang driver ng motorsiklo na si John Raffy Hilajos, 38-anyos, residente ng Brgy. Poblacion, Dumalag, Capiz.

Ayon sa paunang ulat ng Roxas City PNP, binabaybay ng tricycle na menamaneho ni Eric Bergantinos ang kahabaan ng Arnaldo Blvd. nang salpukin siya ng motorsiklo sa likuran bahagi.

Nabatid na mabilis ang patakbo ng motorsiklo. Dahil rito nagtamo ng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang driver ng motorsiklo at agad isinugod sa Emmanuel Hospital.

Habang ang 1-anyos na bata ay patuloy pang inoobserbahan sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Nasa pangangalaga naman ngayon ng Roxas City PNP ang mga sangkot na sasakyan habang iniimbestigahan pa nila ang pangyayari.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *