Connect with us

Aklan News

2 lalaki arestado matapos nahulihan ng baril sa isang sayawan sa barangay sa Sapian, Capiz

Published

on

Arestado ang dalawang lalaki sa Barangay Dapdapan, Sapian, Capiz kaninang madaling araw matapos mahulihan ng baril sa sayawan ng barangay.

Kinilala sa ulat ng Sapian PNP ang suspek na sina Stephen Becayco, 33-anyos, at Federico Randy Ocate, 31, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Nasabat ng mga otoridad sa nauna ang isang caliber .45 pistol at 14 live ammunition habang sa isa ay nasabat naman ang isang S&W 357 Magnum at anim na .38 caliber live ammunition.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na napansin umano ng isang kagawad at tanod na nagbabantay sa cover gym na pumasok ang dalawa na may mga dalang baril.

Agad silang nagsumbong sa kapulisan. Inaresto ng kapulisan ang dalawa matapos mahulihan ng mga baril.

Nasa pangangalaga ngayon ng Sapian PNP Station ang dalawa habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan.

(ulat at larawan mula kay kaTodo Ron Delicious)

Program/Beat: TODO Arangkada Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: IT'S MY PASSIONPrinciple in life: SA DIYOS LANG AKO NATATAKOT.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *