Aklan News
SUSPEK SA PAMAMARIL-PATAY SA BATAN, NAHULI NA

Published
1 year agoon

Inihahanda na ng Batan PNP ang kasong murder laban kay Raul Alejandro Nicolas, ang suspek sa pagbaril-patay kay Antonio Alducente Balagasay sa Brgy Camanci, Batan kahapon ng hapon.
Ayon sa Batan PNP, naroon lang malapit sa lugar nagpaikot-ikot ang suspek nang mahuli sa manhunt operation ng mga pulis kaninang umaga.
Samantala, hindi na narekober ang ginamit na baril ng suspek dahil inihagis niya umano ito sa isang palaisdaan.
Nagtamo ng multiple gunshut wounds ang biktima sa ulo at leeg base na rin sa nakuhang impormasyon ng Batan PNP mula sa SOCO nang isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.
You may like
-
Mga siklistang masisiraan ng bisikleta sa daan, may matatakbuhan nang libreng bike repair stations
-
20 NEW CASES NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW
-
MAG LIVE-IN, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION
-
DALAWA, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG
-
LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA ABANDONADONG BODEGA
-
WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO