Connect with us

Aklan News

LALAKING NAKI-BIRTHDAY, SINAKSAK NG 8 BESES

Published

on

Photo from the web.

Numancia, Aklan – Maswerteng nakaligtas ang isang lalaki matapos magtamo ng 8 tama ng pananaksak sa dinaluhang birthday party.

Batay sa Numancia PNP, nangyari ang insidente alas 10:00 kagabi sa Brgy. Laguinbanwa West, Numancia.

Ang biktima ay kinilalang si Benjie Cebuano ng Laguinbanwa East, Numancia habang ang suspek ay si Julius Galino ng Sitio Ilawod,Laguinbanwa West sa parehong bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na magkasamang nag-iinuman ang dalawa sa birthday party ni Julius Costudio ng maganap ang krimen.

Matapos ang inuman ay pumasok ang mga ito sa loob ng bahay upang magpahinga subalit nagkainitan ang dalawa.

Walong beses na sinaksak ng suspek ang biktima.

Tinamaan ito ng apat na beses sa likod, 3 sa kaliwang tagiliran at isa dibdib.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima habang ang suspek ay dagling tumakas sa lugar at sa ngayon ay tinutugis ng mga kapulisan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *