Connect with us

Aklan News

LALAKI TINAMBANGAN AT BINARIL, PATAY

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos tambangan at barilin bandang alas 3:30 kahapon ng hapon sa Sitio Baliwagan, Camanci, Batan.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Richard De Leon ng Batan PNP ang biktimang si Antonio Alducente Balagasay, 64 anyos at ang suspek na si Raul Alejandro Nicolas, 40 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon, umigib umano ng tubig ang biktima nang barilin siya ng suspek sa ulo gamit ang homemade shotgun.

Mabilis na tumakas ang suspek dahil nakasakay pa ito ng motorsiklo nang barilin niya ang biktima.

Ayon pa sa pulis, natakot ang asawa ng biktima at nagtago sa kanilang bahay kasama ang dalawang anak rason na natagalan bago naipagbigay-alam sa mga pulis ang insidente.

Patuloy pa ang manhunt operation ng Batan PNP sa suspek.

Sinasabing away sa lupa motibo ng pamamaril.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *