Connect with us

Aklan News

BOYFRIEND NG TAIWANESE TOURIST NA NAG VIRAL DAHIL SA SUOT NA SKIMPY BIKINI, MAY APELA SA NETIZENS

Published

on

Nag -apela ang boyfriend ng taiwanese tourist sa netizens na ihinto na ang pagpakalat ng mga litrato ng kanyang nobya na nakasuot lamang ng string bikini sa Isla ng Boracay.

Umusok ang social media noong nakaraang linggo matapos makunan ng mga netizens ang babaeng taiwanese na nakasuot lamang ng string bikini habang gumagala sa beach front.

Kanya kanyang reaksyon at komento ang bumuhos sa internet matapos ngang kumalat ang litrato nito.

Dahil dito, nagpadala ng mensahe ang boyfriend nito sa Taiwanese publication at ipinaliwanag ang detalye ng insidente. Inakusahan pa nito ang mga local media ng false reporting.

Base sa kanyang mensahe, hindi umano sinabi ng kanyang nobya na regular itong nagsusuot ng kaparehong bikini sa Taiwan.

Nabili umano nila ang dalawang pares ng bikini sa isang shop sa Boracay ng pagdating nila sa isla noong Oct. 9. Ayon sa kanya, hinamon niya ang kanyang gf ng pustahan na kapag ito ay matalo isusuot nito ang bikini na kanilang binili at nangyari nga na isinuot ito ng gf niya ng araw na yon.

Kinabukasan, Oct. 10, isinuot umano uli ng gf niya ang isa pang pares nito. Nagkasundo daw sila na sa hotel’s pool na maligo subalit kinalaunan nag desisyon umano silang pumunta uli sa beach sa kabila ng pagkausap umano sa kanila ng hotel staff hinggil sa kanilang kasuotan sa konsiderasyong maraming bata ang gumagala din sa beach.

At ng doon na sila, hindi umano nila inaasahan ang paglapit sa kanila ng Boracay police at imbitahan sila sa police station. Sumama umano sila sa kabila ng hindi daw nila alam kung ano ang nagawa nilang kasalanan.

Doon na lamang daw nila nalaman ng sabihin sa kanila ng mga pulis na kumakalat na sa internet ang litrato ng kanyang gf na nakasuot lamang ng string bikini.

Hindi umano nila alam na hindi pala pwede ang ganong klaseng kasuotan sa isla dahil ang alam niya daw pwede na kahit matakpan lang ang maliit na parte ng maselang parte ng katawan.

At dahil sa kagustuhan daw nila na maayos agad ang sitwasyon, binayaran nila ang multa na P2,500 sa paniniwalang doon na matatapos ang kontrobersiya subalit patuloy pa umano itong inirereport ng mga media outlets at pagpakalat ng kanilang litrato na hindi man lang daw itinago ang kanilang identity.

Hindi rin umano nila alam na kinukuhan sila ng litrato ng mga tao at hindi rin sila ang nagpakalat ng mga ito subalit sila pa umano ang minultahan na kung tutuusin ay sila pa daw ang biktima.

Aminado naman siya na medyo na “over” na ang suot ng gf niya at naintindihan umano niya ang negatibong reaksyon ng mga tao hinggil dito.

Dagdag pa niya, dahil umano sa matinding mga reaksyon sa social media, sobrang stressed at halos mabaliw na daw ang kanyang nobya.

Nagi-guilty umano siya dahil ang simpleng pustahan nila ng kanyang gf ay nagresulta ng malaking eskandalo.

Sa huli, nakiusap siya sa netizens na huwag ng sisisihin ang gf niya at huwag ng ikalat pa ang kanyang personal details.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *