Connect with us

Aklan News

BABAE, NABIKTIMA NG SCAMMER GAMIT ANG PANGALAN NI MAYOR EMERSON LACHICA

Published

on

Kalibo, Aklan – Dumulog sa Kalibo PNP Station ang isang babae matapos umanong mabiktima ng scammer gamit ang pangalan ni Kalibo Mayor Emerson Lachica.

Kuwento ng ayaw ng papangalanang biktima sa kapulisan, bandang alas 11:50 kaninang tanghali nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone mula sa nagpakilalang si Mayor Emerson Lachica at nagpapa reserve ng kuwarto doon mismo sa tinitirhan nitong pension house.

Nagpapahanda din umano ito ng pananghalian para sa 6 na tao at alak para sa bisitang dadalhin nito doon.

Dahil dito, sumunod naman sa utos ang biktima at pumunta sa isang mall para bumili ng alak.

Maya-maya pa, tumawag umano ulit sa kanya ang lalaki at inutusan siyang loadan P2,000.00 ang isang cp number na kanya namang sinunod.

Ilang saglit pa at tumawag ulit ang lalaki sa kanya at nag-utos na loadan din ang tatlo pang magkaibang cp number.

Nagalit pa umano sa kanya ang lalaki dahil mabagal ang kanyang pagpapaload.

Ilang ulit din umano itong tumawag at pinagmumura siya dahil sa hindi agad nasunod ang kanyang gusto.

Base sa police blotter, narito ang cp number na ginamit ng nagpakilalang si Mayor Emerson Lachica: 0936-0984-536.

Narito din ang tatlo pang cp number na pinaloadan sa kanya ng lalaki:
09123257435; 09384975269; 09552250805; at 09360984536.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *