Connect with us

Aklan News

75 ANYOS NA LOLA, NABIKTIMA NG NABUDOL-BUDOL

Published

on

Kalibo, Aklan – HALOS 70,000 PESOS na halaga ng nga alahas at cash ang tinangay ng mga budol-budol sa isang 75 anyos na lola kaninang hapon sa labas ng Gaisano Mall Kalibo.

Kuwento ng hinfi na pinangalanang biktima sa Kalibo police station, kasama umano niya kaninang bandang alas 12:45 kaninang hapon ang kanyang apo nang may lumapit sa kanyang 2 lalaki at 3 babae.

Hinanap umano nila sa kanya ang kanyang anak na si ‘Lucille’ at niyaya siya ng mga ito sa nakaparada nilang sasakyan sa labas ng Gaisano.

Doon umano sila nag-usap kung saan nakumbinsi siya ng mga ito na ibigay sa kanila ang kanyang 3 gold rings, 1 pares ng gold earring, 1 kuwentas na gold, at P9,000.00 na pera kapalit ng kanilang 1 bag na puro ng pera.

Pag-uwi sa kanilang bahay, nagulat na lamang umano ang lola na hindi pera kundi mga papel, bato at mga susi ang laman ng nasabing bag.

Iniimbestigahan na ng theft and robbery section ng Kalibo PNP ang nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *