Connect with us

Aklan News

47-anyos na lalaki sugatan matapos ma-hit-and-run ng motorsiklo sa Panit-an, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa national highway sa Brgy. Agkilo, Panit-an, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Enrique Cadez, 47-anyos, residente ng Brgy. Intampilan, Panit-an habang hindi pa nakikilala ang drayber ng motorsiklo.

Nabatid na tumatawid ng kalsada ang biktima nang mabundol siya ng isang motorsiklo. Mabilis na tumakas ang drayber matapos ang insidente.

Agad dinala sa ospital ang biktima habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan para matukoy ang drayber.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *