Connect with us

Aklan News

Php500K halaga ng droga nasabat sa dalawang mga suspek sa buy bust operation

Published

on

ROXAS CITY – Nasabat ng kapulisan ang tinatayang kalahating milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isang buy bust sa operation sa Pueblo de Panay, Brgy. Lawaan, Roxas City Byernes ng umaga.

Arestado ang mga suspek na sina Raymund Galicto, 46-anyos ng Sitio Nasagud, Brgy. Lanot, Roxas City at John Micheal Labesora, 18 ng Brgy. Tanque, Roxas City.

Nasabat ng mga otoridad ang 15 sachets ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang Php500,000 ang halaga, .38 revolver, .45 caliber pistol, mga drug paraphernalias at dalawang motorsiklo.

Napag-alaman na ilang buwan nang tinitiktikan ng Roxas City PNP ang mga nasabing suspek. Tinuturing na high value target si Galicto.

Nakakulong ngayon sa Roxas City PNP ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *