Connect with us

Aklan News

LASING NA NAG-ISKANDALO AT NAMBUGBOG, ARESTADO

Published

on

Arestado ang isang lasing matapos umanong mag-iskandalo at mambugbog bandang alas 6:00 kagabi sa New Buswang, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Pete Anthony Almojin But, 46 anyos ng Tapaz, Capiz, at ang mga nagreklamong biktima na sina Gretchel Gregorio Etin, sa legal na edad na hipag ng suspek at Jowen Cebuano Tambong, 42 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa reklamo ng kanyang hipag, lasing umano ang kanyang bayaw nang mag-iskandalo sa hindi nalamang dahilan.

Binato umano siya ng lasing na bayaw at sinakal, rason na hinampas niya ito ng tubo sa mukha.

Umawat umano si Tambong, subali’t siya naman ang binugbog ng lasing.

Pareho silang dinala sa estasyon ng pulis kung saan sila nagkasundong idaan sa barangay justice system ang kanilang gusot.

Pansamantala namang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station ang suspek matapos silang ipa medical ng mga pulis.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *