Connect with us

Aklan News

LALAKING TUMAWID BIGLA NG KALSADA, NABUNDOL NG VAN

Published

on

Photo|©Greg de Asis

Sugatan ang isang lalaki matapos aksidenteng mabangga ng van bandang alas 4:30 kaninang hapon sa highway ng Libertad, Nabas.

Nakilala ang biktimang si Christian Magcuha Ira, 24 anyos ng nasabing lugar. Nakilala naman ang driver ng nakabanggang van na si Donato Madugay Tocong, 35 anyos ng Bayanihan Road, Andagao, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Nabas PNP, galing Iloilo papuntang Caticlan ang van nang bigla umanong tumawid sa kalsada ang biktima.
Dahil dito, aksidente siyang nabangga ng van at nagtamo ng sugat sa katawan at nabali ang kanang paa.

Kaagad siyang dinala sa Caticlan Baptist Hospital kung saan siya naka confine.
Samantala, nabatid na natakot umano ang driver ng van pagkatapos ng aksidente rason na doon siya sumuko sa mga taga Aklan PNP 2nd Mobile Company na naka base sa Caticlan.

Ayon pa sa Nabas PNP, nagkasundo na ang pamilya ng biktima at driver kaugnay ng insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *