Aklan News
DALAWA, SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

Published
1 year agoon

Dalawa ang sugatan matapos maaksidente ang kanilang motorsiklo mag-aala 1:00 kaninang madaling araw sa Old Buswang, Kalibo.
Nakilala ang mga biktimang sina Lanz Westly Mattore, 18 anyos na driver ng motorsiklo at ang angkas nitong si Vince Denric Salcedo Mariano, 14 anyos ng C.Laserna St., Poblacion, Kalibo.
Base sa imbistigasyon ng Kalibo PNP, binabaybay ng dalawa ang kalsada sa bahagi ng Crossing Buswang papuntang Old Buswang nang lumagpas umano ang mga ito sa kanilang linya at sumemplang.
Nagtamo ng sugat sa kani-kanilang katawan ang mga biktima sanhi ng insidente na kaagad namang dinala ng mga taga MDRRMO sa ospital.
You may like
-
AKLAN SP, PINASALAMATAN ANG MGA TUMULONG SA POWER RESTORATION
-
TOP 1 MOST WANTED PERSON NG AKLAN PPO, ARESTADO SA LAGUNA
-
BINATANG NAGPAPUTOK NG BARIL, ARESTADO
-
GRADE 12 STUDENT, NASAKSAK NG KAINUMANG KAPWA ESTUDYANTE
-
TOP 7 MOST WANTED PERSON NG ICPO ARESTADO SA BORACAY
-
MOTOR BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK, 1 PATAY, 1 SUGATAN