Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG ROBBERY WITH HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

Numancia, Aklan – Arestado ang isang wanted na may kasong Robbery with Homicide alas 8:00 kagabi sa Brgy. Camanci Norte, Numancia.

Inaresto ng Numancia PNP ang akusadong si Dionnie Carillo y Arcenio, sa legal na edad, residente ng nasabing baranggay.

Ang warrant of arrest laban sa kanya ay inisyu ni Executive Judge Jaime Infante ng RTC Branch 38, 11th Judicial Region na may petsang Nobyembre 3, 2009 at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nakatakda naman siyang iturn-over ngbmga otoridad sa korte na nagpalabas ng warrant of arrest sa Sarangani province.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *