Connect with us

Aklan News

Wanted sa kasong murder arestado sa Dumarao, Capiz

Published

on

Dumarao Capiz – Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa bayan ng Dumarao, Capiz sa kasong murder.

Kinilala sa ulat ng Dumarao PNP ang akusado na si Rene Pentecostes y Dorado alyas Boyboy, may live-in partner.

Hinuli ng mga otoridad ang nasabing lalaki sa kanilang residensya sa Brgy. Sagrada Familia alas-6:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Regional Intelligince Division 6, Dumarao MPS at Capiz PMFC sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court sa Iloilo noon pang Disyembre 2014.

Ang suspek ay pansamantalang nasa pangangalaga ngayon ng kapulisan at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Walang itinakdang pyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *