Connect with us

Aklan News

RIDER NA UMIWAS SA ASO, PATAY NANG BUMANGGA SA PUNO NG MANGGA

Published

on

Numancia, Aklan – Dead on arrival ang isang rider ng motorsiklo matapos sumalpok sa puno ng mangga kaninang alas-2:15 ng madaling araw sa Brgy. Navitas, Numancia

Kinilala ang namatay na si John Jay Campos, 22 anyos, na drayber ng motor habang sugatan naman ang kanyang angkas na si Wilson Torcuator, 25 anyos, lahat residente ng Brgy. Baybay, Makato.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, iniwasan ni Campos ang tumawid na aso dahilan na bumangga ang minamanehong motorsiklo sa puno ng mangga.

Mabilis na tumulong ang mga residente sa dalawa ngunit kalaunan ay binawian ng buhay si Campos, si Wilson naman ay nagtamo ng konting gasgas sa braso at iba pang parte ng katawan.

Nabatid na mula ang dalawa sa isang bar sa Kalibo at kapwa lasing ng maganap ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *