Connect with us

Aklan News

LALAKENG NANITA NG NAGDI-DATE, BINUGBOG

Published

on

Kalibo, Aklan – BUGBOG SARADO ang isang lalake matapos sitain ang magkasintahan na nagdi-date alas 3 kaninag madaling araw sa tabing ilog sa Sitio Libtong, Brgy. Estancia.

Ang biktima ay kinilalang si Felipe Fernandez, 50 taong gulang.

Kwento ng biktima, nadaanan nya ang nakaparadang motor sa gilid ng kalsada at nakita nya na may lalake at babaeng nasa estaka sa may likod ng chapel.

Sinita nya diumano ang mga eto kung ano ang ginagawa at bakit nandun pa sa alanganing oras.

Bigla diumanong tumayo ang lalake at pinaghanampas sya nga kawayan sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Hindi nya ito nakilala kung saan dinala sya sa hospital ng mga taong nakapansin sa pangyayari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *