Connect with us

Aklan News

Ex-convict sa Panit-an, Capiz balik-kulungan matapos mahulihan ng mga baril, mga bala

Published

on

Balik-kulungan ngayon ang isang 57-anyos na lalaki matapos siyang mahulihan ng mga bala at baril sa kaniyang bahay sa Brgy. Pahit, Panit-an, Capiz Huwebes ng umaga.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang suspek na si Adelberto Dario na kakalaya lang sa kasong homicide.

Nasabat sa kanya ng kapulisan ang isang shotgun kasama ang isang magazine; walong live shell para sa 12 shotgun; isang caliber 38 revolver at apat na live ammunition ng caliber 38.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang tauhan ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) Capiz at Panit-an PNP sa bisa ng search warrant na ibinaba ng Capiz Regional Trial Court.

Nasa pangangalaga ngayon ng CIDG-Capiz ang suspek at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Firearms and Ammunition Act.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *