Connect with us

Aklan News

BAHAY NG MEKANIKO NI-RAID; BARIL, MGA BALA AT GRANADA, NAREKOBER

Published

on

New Washington, Aklan – Arestado ang isang mekaniko matapos marekober sa kanyang bahay sa Sitio Bogacay, Jalas, New Washington ang baril, mga bala at isang granada sa isinagawang raid ng New Washington PNP kaninang umaga.

Nakilala ang supek na si Jimmy Orquiola Ramos, 62 anyos ng nasabing lugar.

Sa bisa ng search warrant na ibinaba ni Executive Judge Bienvenido P. Barrios Jr. nito lamang nakaraang October 11, pinasok ng mga pulis at ni Jalas Barangay Captain Roy Repedro ang bahay ng suspek.

Hindi na natagalan ang paggalugad ng mga otoridad at narekober mula sa kuwarto ng kanyang anak ang nakabalot sa isang plastic na 38 caliber revolver na may 4 na bala at isang pang plastic na may 4 bala ng kalibre 45 at isang M26 hand grenade.

Todo tanggi naman ang suspek na sa kanya ang mga narekober na baril, bala at granada at sinabing bandang alas 4:00 kaninang madaling araw nang pinasok ng mga hindi nakilalang persona ang kanilang bahay at pinadapa silang mag-anak sa sahig.

Samantala, nabatid na si Ramos ang itinuturong driver ng mga suspek sa pagbaril-patay sa isang meat vendor na si Roljon Repedro Tejada nitong nakaraang buwan ng Agosto.

Aminado naman si Ramos na may kaso siyang murder, subalit nahulog umano ito sa homicide at nakapagpiyansa.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa New Washington PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *