Connect with us

Aklan News

2 BATANG NAGLALARO NG BAHAY-BAHAYAN, NAGTALIK

Published

on

NAGTALIK ang isang 6 na taong gulang na babae na umaktong nanay-nanayan at ang isang 8 taong gulang na lalaki na umakto namang tatay-tatayan sa loob ng kulungan ng baboy na ginawa nilang bahay-bahayan.

Nalaman ito matapos makita ng isang 7 taong gulang na batang lalaki na umaakto naman bilang anak-anakan sa kanilang paglalaro.

Kunyari ang kulungan ng baboy ang kanilang bahay kung saan si boy at si girl ay nasa loob habang ang anak anakan nito ay kunwaring naglilinis sa paligid ng kanilang bahay-bahayan.

Nangyari ito noong nakaraang Linggo ng tanghali habang lunch break ng kanilang klase sa isang Brgy. sa Aklan.

Napansin ng kanilang anak-anakan na nakapatong ang tatay-tatayan sa kanyang nanay-nanayan na nakahubad kaya agad itong nagsumbong sa kanilang guro.

Ipinatawag ng guro ang tatlong bata, ang mga magulang, social worker at kapitan para pag usapan ang nangyari.

Umamin naman ang mga bata sa kanilang ginawa kaya’t ipinasailalim sa pagsusuri ang batang babae.

Lumalabas sa pagsusuri na positibong may pumasok sa ari ng batang babae.

Napagkasunduan na lang na itransfer sa ibang paaralan ang 7 taong gulang na nakakita para hindi na kumalat sa school ang nangyari at pinayuhan ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak.

(NOTE: Itinago namin ang ibang detalye ng balita para sa kapakanan ng mga batang involve.)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *