Connect with us

Aklan News

UPDATE: Bangkay ng nalunod na batang lalaki sa President Roxas natagpuan na

Published

on

Natagpuan na ang batang si alyas “Esing” na nalunod sa ilog sa President Roxas, Capiz nitong Linggo pero isa na itong naaagnas na bangkay.

Dakong 10:30 ngayong umaga nang matagpuan ng tatlong bata ang bangkay ng dose anyos na biktima sa kanipaan sa Brgy. Pundol ng nasabing bayan.

Nakaamoy umano ng matinding baho ang mga bata habang sila ay nangingisda nang kanilang madiskobre ang naaagnas na bangkay.Agad naman nila itong ipinaalam sa kanilang mga magulang para ireport sa mga otoridad bagay na rumesponde sa lugar ang mga opisyal ng barangay at Philippine Coast Guard.

Napag-alaman na naliligo noon ang biktima kasama ang mga kaibigan sa ilog sa Brgy. Carmencita nang malunod umano ito.

Agad ring inilibing ang bata sa Boac Cemetery.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *