Connect with us

Aklan News

Monthly allowance, insurance sa mga tanod sa roxas city isinusulong

Published

on

ROXAS CITY – Isinusulong ngayon sa City Council ng Roxas ang pagbibigay ng buwanang allowance, at insurance para sa mga barangay tanod. Sa kanyang privilege speech sa council session, sinabi ni Konsehal Jericho Celino na bubuo siya ng ordinansa na tatawagin niyang “Barangay Tanod Welfare Ordinance”.

Aniya, saklaw ng panukalang ordinansang ito ang medical at death insurance ng mga tanod. Panukala niya ang Php200 karagdagang monthly allowance para sa mga tanod. Nabatid na nitong mga nakalipas na buwan ang konseho ay nagsabatas ng City Ordinance no. 551-2019 na naglalayong mabigyan ng taunang allowance na Php3500 ang mga tanod at ang Barangay Health Workers.

Subalit ayon kay Celino hindi umano ito sapat dahil sa minsan ay nalalagay sa alanganin ang buhay ng mga tanod dahil sa kanilang trabaho samantalang maliit na honorarium lamang ang kanilang natatanggap.Iminungkahi naman ni Konsehal Trina Ignacio na pag-usapan pang mabuti ng konseho ang panukala para hindi magkaroon ng duplikasyon sa naunang ordinansa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *