Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGHIHINTAY NG TRAYSIKEL, NABANGGA NG MOTORSIKLO

Published

on

Kalibo, Aklan – Sugatan ang isang lalaking naghihintay ng traysikel matapos mabangga ng motorsiklo bandang alas 9:40 kagabi sa Roxas Ave., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Joseph Garcia Berganio, 24 anyos, tubong Mambusao, Capiz, at residente ng L.Barrios St., Poblacion, Kalibo, at ang driver ng nakabanggang motorsiklo na si Joshua Delorino Nagamos, 25 anyos ng Bulwang, Numancia.

Base sa imbistigasyon ng Kalibo PNP, nakatayo sa gilid ng kalsada si Berganio nang mabangga umano ng nasabing motorsiklo.

Resulta, parehong nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawa na kaagad namang dinala sa ospital ng mga rumespendeng taga MDRRMO.

Pansamantalang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station ang motorsiklong nakaaksidente para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *