Connect with us

Aklan News

ESTUDYANTENG PAUWI MULA SA OJT, NASALPOK NG MOTOR

Published

on

Kalibo, Aklan – Galing sa kanilang On-the-Job Training ang mga estudyante nang aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo ang isa sa kanila sa Brgy. Pook, Kalibo.

Kinilala ang biktimang si Manilyn Garmino, 17 anyos ng Bay-ang, Batan.

Nangyari ang aksidente dakong alas-5 kahapon habang naglalakad ang mga estudyante pauwi mula sa Verde Grande.

Bigla di umanong binangga ng isang lasing na motorista ang biktima.

Mabilis na nagresponde ang mga taga MDRRMO Kalibo at dinala ang biktima sa Aklan Provincial Hospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *