Connect with us

Aklan News

MAGBARKADANG LALAKI AT BABAE NA NAKUHANAN NG DROGA SA ISANG RESORT KINASUHAN NA

Published

on

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang magbarkada na sina John Rodney Obuyes, 32-anyos ng Brgy. Milibili, Roxas City at Kristel Kaye Abellavito, 29, ng Brgy. Balatucan, Panit-an, Capiz.

Matatandaan na inaresto ng kapulisan ang dalawa matapos maaktuhang nagpa-pot session sa isang resort sa Ivisan, Capiz nitong Linggo ng gabi.

Nabatid na mismong ang pamunuan ng resort ang nagreport sa kapulisan matapos mapansin ang kahina-hinalang galaw ng mga suspek.

Nasabat ng kapulisan ang folded aluminum foil, improvised tooter, plastic sachet na may residue ng shabu residue at lighter.

Kasong paglabag sa Section 11, 12 at 15, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinahaharap ngayon ng lalaki habang paglabag naman sa Section 15 ang kinahaharap ng babae.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *