Connect with us

Aklan News

DALAWANG MOTORSIKLO NAAKSIDENTE, TATLO SUGATAN

Published

on

Balete, Aklan – Tatlo ang sugatan sa dalawang motorsiklong naaksidente pasado alas 3:00 kahapon sa National Highway ng Calizo, Balete.

Nakilala ang mga biktimang sina Jake Patron Vargas, 19 anyos, driver ng motorsiklo, at ang angkas nitong si Mark Dalida Venus, 16 anyos na mga taga Camaligan, Batan.

Nakilala rin ang driver ng nakabanggaan nilang motorsiklo na si Noel Agudes Asiong, 27 anyos ng Poblacion, Makato na empleyado ng LBC.

Base sa report ng Balete PNP, parehong patungong Banga ang dalawang motorsiklo kung saan nauna ang empleyado ng LBC.

Nagsignal umano itong liliko pabalik, subalit aksidente naman itong sinalpok ng sumusunod na sina Vargas at Venus.

Resulta, parehong sumemplang sa kalsada ang minamaneho nilang motorsiklo at parehong nagtamo ng minor injuries sa katawan.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Balete PNP Station ang kanilang mga motorsiklo para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *