Connect with us

Aklan News

20 ANYOS NA BINATA, NABIKTIMA NG TEXT SCAM

Published

on

Photo from the web.

Boracay Island – Nagreport sa himpilan ng Malay PNP ang isang 20 anyos na lalaki matapos itong mabiktima ng panloloko gamit ang Cynthia Villar Foundation.

Ayon sa biktima na nakatanggap siya ng text na ang kanyang sim card number ay nanalo ng 850 thousand pesos bilang 2nd price winner sa ginanap na raffle.

Agad niya itong tinawagan para kumpirmahin at nakausap niya umano ang nagpakilalang  abogado na si atty. Rey Acosta.

Ayon sa  biktima na sa kanilang pag uusap ay na kumbinse siya na magpadala ng pera para sa pag process ng kanyang napanalunan.

Pitong beses nagpadala ng pera ang biktima sa smart padala Mula noong Sept. 28 na umabot sa 73 thousand pesos.

Nagpasya ang biktima na magreport sa  pulis kahapon ng umaga dahil nagtaka siya kung bakit hindi niya pa natanggap ang perang kanyang napanalunan na sa kalaunan ay nalaman na nabiktima pala siya ng panloloko.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *