Aklan News
UTILITY WORKER ARESTADO MATAPOS PAGNAKAWAN ANG OPISINA NG ISANG CELL NETWORK

Published
1 year agoon

Arestado ang isang utility worker matapos pagnakawan ang opisina ng isang cell network sa Brgy. Lawaan, Roxas City kung saan siya nagtratrabaho.
Kinilala sa ulat ng Roxas City PNP ang suspek na si Jhoncent Fajardin, 20 years old, at residente ng Brgy. Cagay, Roxas City.
Nasabat ng mga otoridad sa lalaki ang dalawang cellphone na pagmamay-ari ng kompaniya. Batay sa ulat ng kapulisan, nagkakahalaga ang mga ito ng halos Php14,000.
Salaysay ni Elenor Galve, Branch Inventory Officer, napag-alaman nalang umano niya na nawawala na ang dalawang cellphone sa kanilang opisina kaya ipinausisa niya ito sa guard.
Nang usisain ng guard, nasabat sa suspek ang dalawang cellphone, ang isa gamit-gamit na ng suspek.
Pansamantalang ikinulong sa Roxas City PNP Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon at posibleng maharap sa kaukulang kaso.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz