Connect with us

Aklan News

PAGTAKAS NG DALAWANG BILANGGO SA ARC, PAIIMBESTIGAHAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Pai-imbestigahan ni Aklan Gov. Florencio Miraflores ang insidente ng pag-eskapo ng dalawang preso ng Aklan Rehabilitation Center (ARC).

Nakasaad sa Executive Order No. 050 na ipinalabas ng gobernador ang pagbuo ng investigating committee na siyang mag iimbestiga sa insidente.

Pinapangunahan ito ni Atty. Shelwyn Ibarreta bilang chairman at mga myembro na sina SP member Nemesio Neron, Medelia Solanoy, Methuselah Sta. Maria at Atty. Lorielle Rovero.

Layunin nito na malaman kung bakit nakatakas ang mga preso at magawan ng aksyon upang hindi na ito maulit muli.

Hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad si Jose ‘Butchoy’ Tropa, ng Brgy. Tamokoe, Tangalan, Aklan na may kasong double murder matapos tumakas sa kanyang jail escort sa Batangas Port habang pauwi mula sa court hearing ng kanyang kaso sa Metro Manila.

Ngunit bago paman ito ay nauna nang nasalisihan ng isang presong may kasong rape ang ARC sa kasagsagan ng kanilang religious activity noong Setyembre 21.

Kaugnay nito, gaganapin ang unang committee hearing sa Lunes, October 21, sa East Room ng Sangguniang Panlalawigan Building.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *