Connect with us

Aklan News

LASING, SUMEMPLANG DAHIL SA ASO

Published

on

Numancia, Aklan – Sumemplang sa kalsada ang isang lasing na drayber matapos makasagasa ng aso dakong alas-9:40 kagabi.

Ang biktima ay nakilalang si Leopoldo Guco, 38 anyos at residente ng Brgy. Badio, Numancia na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa ulat mula sa Numancia PNP, nagmamaneho ng motorsiklo ang lasing na biktima papuntang Poblacion mula sa Badio nang biglang tumawid sa kalsada ang isang aso.

Hindi naiwasan ni Guco ang aso at kanyang nabundol na dahilan ng kanyang pagkatumba.

Mabilis naman siyang tinulungan ng mga residente para dalhin sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *