Connect with us

Aklan News

LALAKING NAKAINOM, PATAY MATAPOS MALUNOD SA DAGAT SA PANAY, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang 40-anyos na lalaki matapos umanong malunod habang naliligo sa karagatan sa Brgy. Pawa, Panay, Capiz.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang suspek na si Rene Ucag, residente ng Brgy. Bailan, Pontevedra.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng Panay PNP, naliligo sa dagat ang nasabing biktima kasama ang ilang barkada nang maganap ang insidente.

Ayon sa mga kasama, nagdive umano ang biktima subalit hindi na ito nakaahon pa.

Nabatid na nakainom ang biktima nang maganap ang insidente.

Hinanap pa umano siya ng mga kasama subalit ilang sandali lang ang lumipas ay natagpuan nang nakalutang ang biktima. Isinugod pa sa ospital ang lalaki subalit hindi na ito umabot ng buhay

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *